ABOUT THE BLOG

ABOUT THE BLOG Blog Created By Www.BestTheme.Net

Few words about the site. This is configurable from the theme option menu.Mauris semper, velit semper laoreet dictum, quam diam dictum urna, nec placerat elit nisl in quam. Etiam augue pede, molestie eget, rhoncus at, convallis ut, eros. Aliquam pharetra.

Archive for 10/2009

1

1

1

1

1`

1

1`

1

HI.. WELCOME TO MY BLOG..

Napakukalay nga ng buhay. Pinaghaharian ng mayayamang karanasan, sari't-saring emosyon, at mayayabong na pangarap. Sa bawat tao ay nakaukit ang isang naglalagablab na sidhi na siyang tumutulak sa bawat isa na magsaya sa mga tinamong tagumpay, lumuha sa gitna ng pighati, pumuri sa mga bagay na sadyang nakamamangha, mangarap sa kawalan ng pag-asa at kumilos sa tawag ng pangangailangan.

Ngunit minsan, sa pang araw-araw nating pagsabay sa takbo ng oras, nakalimutan na nga talaga natin ang huminto, magpahinga at masdan ang ganda na dulot ng kapaligiran. Ang iba wala na ngang ginawa kundi ang humanap ng pera, magpakasasa sa kasikatan at kapangyarihan sapagkat yaon lamang ang sa kanila ang tunay na kahulugan ng buhay.

Sayang. Nakakalungkot.

Kung sanay alam lang nila ang halaga ng mga pagkakataong sinayang nila. Ang pagkakataong makita ang tunay na saya at kulay ng buhay at maramdaman ang samut-saring emosyon at iba pang elemento na nakapaloob dito. Nakalimutan na nga natin na ang mas mahalaga ay hindi kung natapos ba natin ang ating sariling kuwento, bagama't kundi ay kung paano natin pinahalagahan at pinagyaman ang bawat tagpo nito.

Sa blog ko pong ito, layunin ko pong ilahad sa inyo ang mga pahiwatig ng mga umaapoy kung sidhi. Ito ay magiging daan sa paglalahad ko ng mga sarit-saring damdamin- pag-ibig at pagkabigo, tuwat at pighati, galit at pagpapatawad, tagumpay at kabiguan; at ng mga bagay na magmumulat ng katotohanan at nangangailanagn ng pagbabago.

Huwag niyo po sanang itong husgahan, Basahan at unawain ang bawat salita. Sapagkat naniniwala ako na ang bawat bagay ay may katuturan. Lahat ay may tungkuling ginagampanan. Lahat ay may halaga. Lahat ay may sari-sariling kuwento.....